SANTIAGO 1:26-27 (MBB) ...Magandang Balita Biblia
26. Kung
ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil
ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng
taong ito ay walang kabuluhan.
27. Ang
dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay
ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian,
at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
...Ang aral at turo ng Biblia patungkol sa relihiyon ay maliwanag na batay sa nakasulat ay tungkol sa ating sarili na pagingatang walang dungis sa sanglibutan,sa madaling salita maging malinis sa anumang uri ng KASAMAAN o KASALANAN na dulot ng daigdig o sanglibutan.
Hindi ito patungkol sa pagtatayo ng kung ano-anong grupo,sekta o samahan na gaya ng ginawa ng lahat ng nagtayo sa panahon na ito,na ang ginawa ay magtayo ng kani-kanilang materyal na templo,na tinawag nilang simbahan o sambahan at maghihikayat ng miyembro na sasabihin umanib sa kanilang grupo na tinawag nilang iglesya, iba't-ibang uri ng Iglesya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento